freak (frik) 1: abnormal na tao, hayop, o bagay 2: anumang bagay na hindi normal o hindi pangkaraniwan; kakaibang pangyayari 3: biglaang sumpong o kapritso
free (fri) 1: malayà 2: may pansariling karapatan at layang pampolitika at panlipunan 3: hindi sumasailalim sa paniniil ng dayuhan o panlulupig ng diktador 4: walang humahadlang o sumusupil 5: líbre1 6: hindi nababago ng panlabas na puwersa 7: hindi naihahalò o naisasáma sa iba, hal free oxygen
free enterprise (fri én•ter•práys) : sistema ng ekonomiya batay sa pribadong pagmamay-ari at pagpapatakbo ng mga ugnayan ng produksiyon nang halos walang kontrol ng pamahalaan
freelance (frí•lans) 1: nagtatrabaho nang walang ámo o hindi namamasukan 2: naglilingkod sa isang samahán nang hindi nakatalaga rito
freelancer (fri•lán•ser) : tao na karaniwang may sariling trabaho, at nag-aalok ng pansamantalang serbisyo kapalit ng bayad para sa partikular na gawain
free market (fri már•ket) : pamilihan na ang malayang kompetisyon ang nagdidikta ng presyo ng bilihin
freemasonry (fri•méy•son•rí) 1: ang sistema at institusyon ng mga freemason 2: ang lihím na kapatiran