freethinker (fri tíng•ker) : tao na bumubuo ng sariling opinyon batay sa katwiran sa halip na sa awtoridad o tradisyon, lalo na sa paniniwalang panrelihiyon
free wheel (fri wil) 1: sumakay ng bisikleta nang hindi tumatapak sa pedal 2: kumilos nang walang hadlang o hirap
freeze (friz) 1: gawing yelo; maging yelo o solido dahil sa lamig 2: palamiging mabuti 3: tumigil nang biglaan 4: panatilihin
freight (freyt) 1: pagdadalá o paghahatid ng mga bilihin, karaniwang higit na mabagal at múra kaysa express delivery 2: mga bilihing isinasakay o inilululan sa barko o eroplano 3: bayad sa gayong paghahatid
freighter (fréy•ter) 1: sasakyang-dagat o panghimpapawid na sadyang naghahatid ng freight 2: a tao na tagatanggap at tagahatid ng freight b tao na nagpapadalá ng freight c tao na naglululan ng freight
French (frentz) 1: mamamayan at kultura ng France 2: wika ng France, ginagamit din sa Belgium, Switzerland, Canada, at iba pang pook
frénch horn (frentz horn) : instrumentong hinihipan, yarì sa brass, at paikot ang mahabàng katawan na maluwang ang isang dulo
french toast (frentz towst) : tinapay na nilagyan ng mantekilya ang isang panig at tinosta ang kabila
french wíndow (frentz wín•dow) : pares ng bintana na tíla pinto, may bisagra sa patayông gilid ng hamba, at bumubukás sa gitna
freon (frí•yon) : alinman sa pangkat ng halogenated hydrocarbon na maaaring may fluorine, chlorine, at bromine, at ginagamit na aerosol o refrigerant