interfere (in•ter•fír) 1: ma-kialam o manghimasok; hadlangan ang proseso, palakad, pamamaraan, at iba pa 2: maging sagabal
in•ter•kon•ti•nen•tál, ín•ter•kon•ti• nén•tal : umuugnay o naglalakbay sa dalawa o higit pang kontinente
in•ter•lúd•yo : isang piyesa na tinutugtog sa pagitan ng dalawang mahabàng piyesa o sa pagitan ng dalawang imno
intermediate (ín•ter•mí•dyit) 1: bagay na panggitna 2: compound na nabuo sa isang reaksiyon at ginamit pa sa isang reaksiyon, lalo na sa proseso ng sintesis
in•ter•méd•yo 1: maikling dula o anumang palabas sa pagitan ng dalawang mahabàng yugto ng isang pagtatanghal 2: intermediate1