kaleidoscope (ka•láy•dos•kówp) : túbong may salamin at may salansan ng de-kolor na kristal o papel sa loob nitó na nagkakaroon ng pabago-bagong anyo ng replek-siyon kapag iniikot
ka•len•dár•yo 1: sistemang tiyak ang simula, habà, at paghahati-hati sa taon 2: tsart o mga páhiná na nagpapakíta ng mga araw, linggo, o buwan ng isang partikular na taon 3: iskedyul sa araw-araw
ka•lé•sa : maliit na karwaheng may dalawang gulóng, karaniwang para sa dalawang pasahero lámang, at hinihila ng kabayo
ka•lí : salitâng-ugat ng makali o mapakali, karaniwang nilalagyan ng hindi o di , sa unahán, na nanga-ngahulugang balisá o hindi mapala-gay, hal “Hindi mapakali sa kaniyang upúan si Lino.”