ka•lí•bid : kadenilyang ginto, karaniwang ginagamit na kuwintas ng mga babaeng iginagálang var kalibir
ka•lib•kíb : lamán ng niyog na pinausukan at pinatuyo para ga-wing langis, ginagamit sa produk-siyon ng kandila, sabon, at iba pa
ka•lí•bo 1: uri ng palay na mapusyaw ang kulay ng ipa at maputîng-maputî ang bigas 2: tawag sa telang pinya mula sa Aklan noong panahon ng Espanyol 3: natatanging uri ng hinabing damit mula sa Aklan
ka•li•bras•yón 1: pagbabasá sa eskala para matiyak ang kalibre ng isang instrumento 2: pagti-yak sa tamang kapasidad o halaga ng isang bagay
ka•lí•bre 1: a pan-loob na diyametro ng lalagyán ng bála ng baril, kanyon, at iba pa b diyametro ng bála 2: antas ng kagalíngan o kadakilaan