ka•li•dád 1: antas ng kagalíngan o kahusayan ng isang bagay 2: kataasan ng uri 3: natatanging elemento o katangian 4: timbre ng boses o instrumento
ká•lig 1: pagmadali sa mga tao para sa isang bagay 2: pagmadali sa mga tao para sa isang bagay 3: sikárig
ka•li•gi•rán 1: ang paligid na panahanan o pinamu-muhayan ng isang tao, hayop, o halá-man 2: ang kalagayan o pook para sa isang gawain, hal kaligiran sa pag-aaral 3: ang daigdig ng kalikásan, sa kabuuan, o sa isang tiyak na pook heograpiko, lalo na ya-ong apektado ng gawain ng tao
ka•li•gra•pí•ya 1: sining ng pagsulat nang wasto at sa magagandang titik var kali-grapyá 2: sulat-kamay
ka•lig•tá•san 1: pagkakalayô o pag-ahon mula sa panganib 2: sa Kristiyanismo, katu-busan mula sa kasamaan o kasa-lanan
ka•lí•him 1: opisyal ng bansa na nangangasiwa at namamahala ng isang kagawa-ran 2: opisyal na nangangasiwa ng mga rekord, sulat, o katitikan ng mga pulong, at iba pang gawain ng samahán 3: emplea-dong katulong o naglilingkod sa isang manedyer o opisyal