ka•li•ká•san 1: daigdig at lahat ng nakapaloob dito na hindi likha ng tao 2: katangian ng tao 3: anumang hindi likha ng tao
ka•li•kól 1: matá ng asarol 2: kawit ng kandado 3: pakò kung saan nakalagay ang timon 4: popa ng barangay
ka•lí•kol : paikot na galaw ng daliri o anumang matulis na bagay sa isang makipot na bútas, tulad ng paglilinis sa tainga
ka•lí•kot 1: kalikol 2: kawayan o metal na hugis túbo at ipinapasok sa loob ng sisidlang bumbong upang durugin at haluin ang mga sangkap ng buyo o ngangà 3: telang sutla o cotton na inaangkat mula sa bayan ng Calicut, India
ka•lí•kot 1: galawin sa pamamagitan ng isang bagay ang nása loob ng isang sisidlan na hindi maabot ng kamay 2: palakihin ang ginawâng bútas
ka•li•ma•tás : punongkahoy (Phaeanthus ebracteolatus) na tumutubò ang bulaklak sa axil ng dahon, bilóg at maitim-itim ang bunga, at ginagawâng pambigkis ang himaymay
ka•lim•ba•hín 1: uri ng baya-bas na may mga butóng nakabaón sa lamukot na kulay pink 2: niyog na bahagyang dilaw, bahagyang may kulay