ká•lis 1: espada o sandatang may mahabàng talim 2: sa misang Katoliko, ang kopa ng dugo ni Kristo 3: kopa ng pagdurusa at pighati 4: dahon na sumasaló sa bulaklak
ka•lis•kís 1: matigas na pinakabalát ng isda, ahas, at iba pang hayop 2: anumang katulad sa anyo nitó 3: sa sabong, pagsusuri sa pamama-gitan ng pagtingin sa paa ng manok at sa pisikal na anyo nitó 4: pag-susuri sa pisikal na katangian ng isang tao o anumang ninanais
ka•lis•kís-á•has : gumaga-pang na pakô (Oleandra colubrina) na malaahas ang kaliskis ng rhizome at ginagamit na gamot sa kagat ng ahas
ka•lis•kís-da•lág : yerba (Desmodium triflorum) na maba-lahibo, lila ang bulaklak, at tatluhan ang dahon kung tumubò sa tangkay
ka•lít 1: langitngit ng sirâng mesa, káma, o upúan 2: langitngit ng sirâng mesa, káma, o upúan 3: larong kahawig ng bowling
ká•lit-ká•lit : baging (Cayrata trifolia) na tatluhan ang dahon, putî na lungtian ang bulaklak, at kulay lila ang makatas na bunga
ka•li•wâ 1: nása kanluran kung nakaharap sa hilaga ang tumitingin 2: kasalu-ngat ng kanan 3: kasalungat ng tama
ká•li•wà•an 1: direkto at sabáyang pagpapalítan, karaniwan sa pagbilí 2: sa trapiko, kali-wang panig na pinahihintulutang likuán ng mga sasakyan
ka•li•wé•te 1: tumutukoy sa tao na malimit ga-mítin ang kaliwang kamay 2: taksil sa asawa o kasintahan