- ka•lô, ka•lòpng | [ Kap Tag ]1:kasang-kapang bakal na hugis bilóg, sinusulutan ng lubid upang maitaas o mabuhat ang anumang mabigat na bagay2:sa pangingisda, gulóng na may kanal ang gilid upang daanan ng lubid sa paglaladlad ng layag
- ka•lo•ka•ti•ngánpng | Bot | [ ST ]:uri ng punongkahoy
- ka•lo•kó•hanpng | [ ka+loko+han ]1:bagay na walang kabulúhan2:bunga ng panloloko3:gawain ng isang loko
- ka•lo•má•lapng | Bot:punongkahoy (Elaeocapus colamala) na biluhabâ at makatas ang bunga
- ka•lo•má•naypng | Bot | [ ST ]:isang punongkahoy na may mga dahong tulad ng lagundi
- ká•lo•mélpng | Kem | [ Ing ]:putî at walang lásang pulbos na ginagamit na pampurga at pampatay ng fung-gus
- ká•longpnr:pinaupô o ipinatong sa kandungan
- ká•longpng | [ ST ]:ang inunan ng sanggol nang nása sinapupunan ng ina
- ka•lóng•kongpng | [ ST ]:pagdadalá sa pamamagitan ng dalawang braso
- ka•lóng-u•wákpng | Bot | [ ST ]:isang uri ng gabe
- ka•lóng-u•wákpng | Bot | [ ST ]:isang uri ng gabe
- ka•lo•óbpng | [ Kap Tag ka+loob ]1:bagay na kusang ibinibigay o iginagawad nang walang kapalit o bayad2:pagbibigay nang kusa
- ka•lo•ó•banpng | [ ka+loob+an ]1:ang kapangyarihan o ugali o ang kabu-uan ng lahat ng kapangyarihan o ugali na umiiral sa mga gawaing tulad ng pagpilì, paglulunggati, pagmimithi, pangangarap, at katu-lad, at ang pagkilos túngo sa katuparan , ng mga , nabanggit2:ang ugali na kumilos alinsunod sa simulain o ipailalim ang asal at pag-iisip sa isang pangkalahatang layunin o mithiin