• ka•mâ
    png
    1:
    [ST] pagkakaisa ng dalawa sa isang usapin, patúngo o laban sa ikatlo
    2:
    paghipo o paghawak nang hindi sinasadya sa anumang bagay
  • ká•ma
    png | [ Esp cama ]
    1:
    piraso ng muwebles na ginagamit na higáan, karaniwang may pahabâng balang-kas at sahig, may apat na paa, at sinasapinan ng banig o mátres
    2:
    sahig ng karitela o anumang sasakyan
    3:
    lipya ng araro
    4:
    parihabâng súkat ng lupa na karaniwang isang dangkal ang taas at pinagpupunlaan o tinataniman ng mga gulay, kabute, at iba pa
  • Ká•ma
    png | [ Hin San ]
    :
    diyosa ng seksuwal na pag-ibig na kinakata-wan ng isang dalaga
  • ka•má•baw
    png | [ Seb ]
  • ka•má•boy
    png | Zoo
    :
    uri ng malaking stork (Ciconia episcopus) na may itim at putîng balahibo
  • ka•mab•sí
    png | Zoo | [ ST ]
    :
    isang uri ng ibon
  • ka•má•da
    png | [ Esp camada ]
    1:
    mag-kakapatid na tuta, biik, o kuting
    2:
    kawan ng mga hayop
    3:
    pangkat ng mga mandurukot o magnanakaw
    4:
    isang pad ng papel na katumbas ng 24 na piraso
  • ka•má•dag
    pnr pnb | [ Mrw ]
  • ka•mád-an
    png | [ Seb ]
    :
    tigang na lupa
  • ka•ma•díd
    png | [ Iva ]
    :
    bahay na ma-babà ang pagkakagawâ at karani-wang walang dingding
  • ka•má•do
    pnr | [ Tag kamá+Esp do ]
    :
    lápat na lápat
  • ka•ma•dót•say
    png | [ Seb ]
  • ka•mág-
    pnl | [ ST ]
    :
    unlapi para tuku-yin ang pagiging magkasáma, hal kamag-anak
  • ka•ma•ga•lí•nga
    png | Bot | [ ST ]
    :
    isang uri ng kalabasa
  • ka•mag-á•nak
    png | [ Kap Tag ka+mag-anak ]
    :
    tao na kaugnay sa angkan, pamilya, dugo, at iba pa
  • ka•mag-a•ná•kan
    png | [ ka+mag+ anak+an ]
    :
    pangkat ng mag-anak
  • ka•mág-a•rál
    png | [ ka+mag-áral ]
    :
    kasámang nag-aaral sa klase, silid aralan, o paaralan
  • ka•má•gaw
    png pnr | [ ST ]
  • ka•má•gay
    png | Zoo | [ Ilk ]
  • ka•ma•gì
    png
    1:
    [ST] malakíng galáng o kuwintas na ginto
    2:
    [ST] sisidlan ng alak
    3:
    [ST] kasunduan sa pagpa-paupa
    4:
    sa sinaunang lipunang Bisaya, uri ng kuwintas o sinturon