ka•má•lig 1: estrukturang imbákan o lagákan ng ani o katulad 2: dampa na may bu-bong, mababà, at maluwang
ka•man•dág 1: nakalalasong likido na inilalabas ng ahas, alakdan, at iba pang hayop o kulisap, karaniwang naisasalin sa pamamagitan ng kagat o tusok 2: anumang nakasasakít ng kalooban, o nakawawasak ng kabu-tihan
ka•man•dí•is : punongkahoy (Garcinia rubra) na may bungang malamán, bilóg at lapád, at manilaw-nilaw hanggang pulá