- ka•má•ngipng | Bot | [ Pal ]:palumpong (Ocimum basilicum) na tuwid, bala-hibuhin, aromatikong pink ang korola, at ginagamit na pampalasa sa pagkain
- ka•mang•ma•ngánpng | [ ka+ mang-mang +an ]1:kawalang kakayahang bumasa o sumula t2:kawalan ng anuman o sapat na edukasyon3:pagkakamali sa pagsusulat o pananalita na ipinapa-lagay na katangian ng isang taong mangmang
- ka•man•sá•laypng | Bot | [ ST ]:uri ng maliit na bungang nakakain na tulad ng ubas
- ka•man•sîpng | Bot:punongkahoy (Artocarpus camansi) na tumataas nang 10-15 m, katulad ng rimas, may malakí at tíla katad na dahon, at lungti ang bunga
- ka•man•ti•gìpng | Bot | [ Ilk Kap Seb Tag ]:yerbang (Impatiens balsami-na) makatas, salit-salit ang mga da-hon, kulay pink ang mga bulaklak, at mahibla at hugis itlog ang mga bunga; nakakain ang mga dahon at ginagamit na pantinà ang mga bulaklak
- ka•man•ti•gónpng | Zoo | [ Seb ]:uri ng ibon (Cyornis rufigastra) na mahi-lig manghúli ng lumilipad na kulisap, may naghahalòng itim at asul sa ulo, likod, at pakpak, may kalawanging putî na tiyan, at may tíla balbas
- ka•man•tópng | [ ST ]:pagpapaliban ang paggawâ sa isang bagay
- ka•man•yángpng1:[Ilk Kap Seb Tag] alinman sa punongkahoy o palumpong (genus Styrax) na may pahabâng kumpol ng putîng bulak-lak2:mabangong resin o dagta mula sa punongkahoy na ito at ginagamit sa paggawâ ng pabango at gamot o inihahalò sa insenso upang lalo itong bumango var kamanyán3:púri3 o papúri
- ka•ma•ópng1:kamay na nakaku-yom2:likod ng palad
- ka•má•rapng | Bot | [ Ilk ]:suwag matsing
- ká•ma•rápng | [ Esp cámara ]1:mala-kíng silid, karaniwang ginagamit sa pulong2:isa sa dalawang sangay o kapulungan ng batasan3:varyant ng kamera
- ká•ma•rá ál•tapng | Pol | [ Esp cámara alta ]:mataas na kapulungan
- ká•ma•rá de re•pre•sen•tán•tespng | Pol | [ Esp cámara de representantes ]:mababàng kapulungan
- ka•ma•ré•rapng | [ Esp camarera ]:tagapangalaga o katulong na tagapa-glinis ng silid tulugán, ka•ma•ré•ro kung laláki