ka•ma•rín 1: munting silid 2: kotse ng elevator 3: munting silid na bihisan sa teatro 4: kamálig 5: silid o pook sa likod ng retablo o ng altar na pinag-bibihisan at pinaglalagyan ng kagamitan ng imahen
ka•ma•sá•han : kalakasan o kaigtingan ng isang panahon o ga-wain, hal kamasáhan ng ulan, kamasáhan ng pag-ani
ka•ma•só : ibon (Ducula bicolor) na mapusyaw na krema at dilaw ang ulo at leeg, at iba-iba ang kulay ng bawat bahagi ng katawan
ka•má•tis : mababàng halá-man (Lycopersicum esculentum) na gilit-gilit ang dahon, maliliit at kulay dilaw ang bulaklak, at karaniwang ginagamit ang bunga na panlahok sa lutúin at sawsawan