- ka•ma•tógpng | Bot | [ ST ]:isang uri ng punongkahoy
- ka•má•tsi•lépng | Bot | [ Bik Bis Esp Kap Tag War camachili Mex Aztec guamo-chil “hikaw ng matsing” ]:malaking punongkahoy (Pithecolobium dulce) na matinik ang mga sanga, may bu-ngang putî ang lamukot na buma-bálot sa butó, katutubò sa tropikong Amarika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol
- ka•máwpng | [ Kap Pan Tag Tsi ]:mangkok na katamtaman ang lakí, higit na malakí ang labì kaysa pu-wit, at karaniwang gawâ sa luad
- ka•máypng1:[Hil ST] dulong bahagi ng bisig ng tao at lampas sa galáng-galángan, kabílang ang mga daliri2:[ST] paggawâ ng isang bagay na gumagamit ng kamáy, hal pagkakamáy sa pagkain, pakikipagkamáy, likhang-kamáy, at iba pa ngunit ang mahabàng kamáy ay idyoma para sa magnanakaw3:[ST] pagkirot ng kamáy dahil sa labis na trabaho, mula rito ang nangangámay4:sa ibang ha-yop, ang dulong bahagi ng galamay at ginagamit din bílang paa5:ang bahagi ng relo na nagtuturò ng oras6:manggas ng damit
- ka•máypnr:gámay, karaniwan sa paghawak ng gamit o kasangkapan
- ka•má•yanpng | [ kamay+an ]1:pook para sa pagkain na gumagamit ng kamay2:pagkakataon para sa pag-dadaop ng mga palad ng mga tao bílang pagbabatian o pagpapakíta ng pagkakaibigan
- ka•máy•do•ré•apng | Bot | [ Ing chamae dorea ]:palma (Chamaedorea elegans) na tuwid at kumpol-kumpol, baling-kinitan ang punò, hugis panà ang matingkad na lungting dahon, at bilóg na maliit ang bunga, katutubò sa Mexico at kamakailan lámang ipinasok sa Filipinas
- ka•ma•yínpnd | [ kamay+in ]:magka-may o gumamit ng kamay
- Ka•ma•yópng | Ant Lgw1:pangkating etniko na matatagpuan sa Agusan del Norte at Surigao del Sur2:ta-wag din sa wika nitó
- kam•bâpng:imbay ng mga bisig o kampay ng mga pakpak
- kam•ba•ba•lòpng | Zoo:isdang-alat (Ablennes hians) na biluhabâ ang katawan at mahabà ang palikpik
- kam•bálpng | [ Bik Kap Tag War ]1:magkapatid na ipinanganak nang halos magkasabay o ilang sandali lámang ang pagitan2:anumang uri ng kahoy, punò, at bungang nakapalo-ob sa iisang balát, at sa ganito nang ayos lumaki3:pagsasapi ng dala-wang bagay4:alinmang bagay na magkakabit
- kam•ba•lá•tsepng | [ Esp cambalache ]:pagpapalítan ng mga bagay