ka•mél•ya 1: namumulaklak na palumpong (genus Camellia), kabílang sa pa-milya ng tsaa, at laging-lungti ang makikintab na dahon 2: babaeng kamelyo
ka•mél•yo : malakíng mammal (genus Camelus), mahabà ang leeg, payat ang mga binti, at may isa o dalawang umbok sa likod, ka•mél•ya kung babae
ka•mé•o 1: a maliit na piraso ng onyx o ibang matigas na batóng may ukit ang harap at iba’t iba ang kulay sa likod b katulad na disenyo na ginagamitan ng ibang materyales 2: a maikling eksena b maliit na papel ng isang tauhan sa dula o pelikula, karaniwang maikli, at ginagampanan ng isang kilaláng aktor
ká•mi•ká•ze 1: eroplanong kargado ng mga bomba at kusang pinababagsak sa isang tiyak na target o ang piloto ng naturang ero-plano 2: mapanganib at potensiyal na pagpapakamatay