kam•báng 1: galaw na tíla lumulutang, gaya ng sa hinanging palda o kampay ng pakpak 2: balútan o bulto ng damit 3: pamumukadkad ng bulaklak
kám•bas 1: uri ng tela na matibay at magaspang, yarì sa hemp o flax, o ibang magaspang na himaymay, at ginagamit sa pag-gawâ ng layag, tolda, at iba pang materyales na pinipintahan 2: canvass
kam•bíng 1: hayop (genus Capra) na kauri ng tupa ngunit may sungay at hindi makapal ang balahibo 2: gigolo o binatang palike-ro na umaasa sa kíta ng mga babae niya
kám•bi•yó 1: kasangkapan para iugnay ang motor sa alinmang gear ng trans-misyon 2: paglipat ng pasahero sa ibang sasakyan 3: pagpapalít ng ruta ng tren sa ibang linya o koneksiyon 4: palítan o pagpapalít ng salapi 5: pagsusukli o halaga ng isinukli 6: stock exchange
kam•bóg 1: tunog ng mabigat na bagay na nahulog sa tubig 2: pagbatí o matinding paghahalò ng likido, gaya ng gina-gawâ sa gatas sa paggawâ ng man-tekilya
kam•bóng 1: malaking balu-tan ng damit o anumang ginawâng malaki 2: paggalaw ng damit dahil sa malakas na hangin