- ka•mí•ringpng | [ Ilk ]:katas ng hilaw na mangga
- ka•míspng | [ ST ]:paglalagay ng kaunting asin sa karne o isda
- ká•mispng | [ ST ]:paggawâ ng isang bagay nang nagmamadali
- ka•mí•sapng | Isp | [ Esp camisa ]1:kasuotang pang-itaas ng laláki noon, karaniwang kasuotan ng mga mariwasa at maykáyang Fili-pino, isinusuot nang hindi nakapara-gan; sinasabing pinagmulan ng barong tagalog n ang pinakakatawan ng traheng pamba-bae, tipikong kasuotan noon, malu-wang ang manggas at maluwag ang kuwelyo; bahagi ng bihis ang panyuwelo na bahagyang tumatakip sa kuwelyo at hugis tatsulok kung isuot2:damit pang-itaas3:sa jai alai, uniporme ng pelotari
- ka•mi•sa•dén•tropng | [ Esp camisa-dentro ]:kasuotang panlaláki, may kuwelyo at mahabàng manggas, at karaniwang kinakabitan ng kor-bata
- ka•mi•sa tsí•nopng | [ Esp camisa de chino ]:kamisetang panlaláki, walang kuwelyo, may biyak hang-gang dibdib, at naibubutones
- ka•mi•se•rí•yapng | [ Esp camisería ]:tindahan ng mga damit at gamit sa pananahi
- ka•mi•sé•tapng | [ Esp camiseta ]:damit panloob ng laláki, may maikling manggas at walang kuwelyo
- ka•mi•só•lapng | [ Esp camisola ]1:damit pambabae na binubuo ng pang-itaas at paldang maluwang2:damit pantulog ng babae
- ka•mi•sónpng | [ Esp camisón ]:kasu-otang pang-ilalim sa baro ng babae, buo ang yarì ngunit walang manggas, may tirante, at karaniwang manipis
- ka•mítpng1:[Bik Kap ST] pagkuha o pagtanggap ng isang bagay2:[ST] pagtamasa sa isang bagay3:[ST] pag-angkin sa isang babae4:[Bik Kap Tag] kalmot ng pusa sa balát
- kam•kámpng | [ ST ]1:sapilitang pagtuturing na sariling ari ang isang bagay o ari-arian2:pagbunot sa maliit na damo, at paghahagis sa mga ito
- kam•kám-upng | [ Bon ]:munting kamuwan na pinagsisidlan ng pinipig ng mga batàng laláki