Luna, Juan (lú•na hu•wán) : 1857-1899, unang Filipinong pintor na nagkamit ng unang gantimpala sa pintura sa labas ng bansa sa pamamagitan ng obra maestrang Spoliarium
Luna, Manuel (lú•na man•wél) : 1856-1883, mahusay na biyolinista at kapatid nina Juan Luna at Antonio Luna
lu•nás : punongkahoy (Gonocaryum calleryanum) na may putîng bulaklak, may bungang nuwes, at gamot sa sakít sa tiyan
lú•nas 1: gamót1 2: antidote ng lason 3: kalutásan 4: bahagi ng araro 5: sahig ng bangka 6: palumpong (Lunasia Amara) na tumataas nang 3 m at may dilaw na bulaklak 7: kapatagan sa kailaliman
lu•nas•yón : isang ligid ng buwan na karaniwang 29 araw, 12 oras, 44 minuto, at 2-8 segundo sa pagitan ng dalawang magkasunod na bagong buwan