lu•ngáw 1: hukay sa lupa na malaki at malalim at ginagamit na imbakan ng mga bunga, tapunan ng sukal, at iba pa 2: kahoy na inuka ang katawan at inilaan sa pag-aasin ng isda o kainan ng malaking hayop
lu•ngá•yi 1: paghihilig ng ulo sa unan, o sa ibang bahaging mas mababà, upang magpahinga 2: paghuhugas ng ulo sa pamamagitan ng paglulubog nitó sa tubig, at ang mukha ay nása itaas 3: paglungayngay nang ang mukha ay nása itaas
lu•ngay•ngáy : nakabagsak ang ulo nang patalikod; nakakiling ang katawan sa likuran dahil sa kawalan ng lakas
lung•gâ 1: malalim na hukay sa lupa o sa putik na pinamamahayan ng mga hayop, parasito, at iba pa 2: pook na taguan ng mga masasamâng-loob, lagalag, at iba pa
lung•gá•ngan 1: dalawang malaking pútol ng kawayan sa itaas na gilid ng kariton 2: alinman sa dalawang baras ng kareta
lung•ga•tî : damdamin ng paghahangad na karaniwang may kasámang aktibong pagsisikap na baguhin ang kasalukuyang kalagayan na kulang, labis, o magulo upang umayon o umakma sa layon ng isang indibidwal
lu•ngí 1: isdang-alat (family Belonidae) na may payat na katawan, pahabâng panga, at ngipin na tíla karayom 2: kútab2
lu•ngí•na : kalagitnaan ng Enero hanggang kalagitnaan ng Pebrero, panahon ng paghahanda ng bukid upang tamnan
lung•kás 1: pagbababâ ng trapal ng barko 2: pagtitiklop ng isang bagay tulad ng layag o ng payong 3: pagbababâng-luksa