lun•dág 1: pagpapa-angat ng katawan mula sa isang rabaw sa pamamagitan ng pagtulak ng sariling mga paa 2: katulad na kilos bagaman biglaan dahil sa gulat o pag-iwas 3: katulad na kilos upang pumaibabaw sa isang mataas na hadlang
lun•dô 1: kalagayang mababà o malalim kaysa ibang bahagi, karaniwang sa gitna 2: pinakamababàng dako ng isang uka o siwang na natatanaw sa bundok 3: pinakasúpot ng lambat na pinagtitipunan ng húli
lune (lun) : pigurang hugis bagong buwan na nalilikha sa espero at plane ng dalawang arko na nagsalikop sa dalawang púnto
lunette (lu•nét) 1: maliit na nakaarkong bútas sa kisame ng simboryo 2: hugis bagong buwan na pook o kuwarto na may pintura, estatwa, at iba pa 3: hugis singsing na kinakabitan ng kawing upang humila ng sasakyan 4: sisidlan ng ostiya