la•máng-u•gát : bunga ng mga halámang-ugat na nakukuha sa ilalim ng lupa gaya ng kamote, gabe, ube, at iba pa
lá•mas 1: pagpisa o pagdurog sa isang bagay sa pama-magitan ng kamay 2: labanang mano-mano; labanang walang sandata 3: malakapas.
la•ma•sán 1: súpot na gawa sa telang ginagamit na salaan ng lutông gawgaw 2: pook o kasangkapan para sa paglalamas
la•ma•yán 1: pook na pinaglalamayan o ang panahon para dito 2: alinman sa mga isdang-alat o isdang-tabang (family Serranidae at Centrarchidae) na matinik ang palikpik