nursery (nár•se•rí) 1: silid ng sanggol 2: ibinukod na espasyo ng tahanan para sa mga batà 3: pook para sa pag-aalaga ng haláman, kulisap, isda, hayop, at iba pa
nurture (núr•tyur) 1: anumang kailangan para mabúhay 2: pag-aalaga at pagpapalakí ng batà 3: pagtuturò at pagsasánay
nut (nat) 1: nuwés1 2: tuwérka 3: sirâ ang ulo 4: sa instrumentong de-kuwerdas, ang kama-gong na dinadaanan ng kuwerdas
nutcracker (nat•krák•er) 1: pandurog o pambasag ng nuwes 2: maliit na uwak (genus Nucifraga) na nuwes ang tanging kinakain
nutriment (nú•tri•mént) 1: masustansiyang pagkain 2: intelektuwal o makasining na bagay na nakapagpapasigla
nu•tris•yón 1: proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng sustansiya 2: pag-aaral tungkol sa wasto at balanseng pagkain