• P, p (pi)
    png
    1:
    ikalabingwalong titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na pi
    2:
    ikalabingwalo sa isang serye o pangkat
    3:
    pasulát o palimbag na representasyon ng P o p
    4:
    tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik P o p.
  • p, (pi)
    daglat | [ Ing ]
    2:
    sa piyano, sagisag na nagpapahiwatig ng matahimik o marahang tunog.
  • P, p (pa)
    png
    :
    ikalabing-apat na titik ng abakadang Tagalog.
  • P, (pi)
    daglat | [ Ing ]
    1:
    sa kalye, parking
    2:
    sa ahedres, pawn.
  • P, (pi)
    symbol | Kem | [ Ing ]
  • pa-
    pnl | [ Bik Hil Pan Seb Tag War ]
    1:
    pambuo ng pang-abay, nagsasaad ng gawi, posisyon, direksiyon, hal papansín, pataás, paakyát
    2:
    pam-buo ng pangngalan, nagsasaad ng utos o pakiusap, hal pagawâ, patin-dá, paabót
    3:
    [Ilk Kap Tag] pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagpapa-túngo sa isang pook, hal paríni, pariyán
    4:
    pambuo ng pangngalan, dinurugtungan ng -an sa dulo at nag-sasaad ng a pook o gusaling pinang-yarihan, hal pálarúan, páaralán b sabay-sabay na pagkaganap, hal paaláman, patamáan c pook na pinag-gagamitan ng natatanging kasanayan o kaalaman, hal págamútan, pákulú-tan d paligsahan o timpalak, hal pála-kásan, págandáhan
    5:
    pambuo ng pandiwa, dinurugtungan ng -an sa dulo at nagpapahiwatig ng utos o pakiusap na gawin ang isang bagay para sa pinatutungkulan, hal pabalú-tan, pasamáhan.
  • pa
    png
    1:
    tawag at bigkas sa p sa abakadang Tagalog
    2:
    [Ing] pina-ikling anyo ng pápa.
  • pa
    pnb | [ Bik Hil Kap Seb Tag War ]
    1:
    bílang, karagdagan, o kapupunan ng isang bagay, hal “Gusto ko pa,”; “Tumula ka pa.”
    2:
    sa nalalabîng panahon o bago mata-pos ang lahat, hal “Hindi pa”; “Mamaya pa.”
    3:
    sa panahong ito, hanggang ngayon o hanggang sa kasalukuyan, hal “Kumakain pa siya”; “May panahon ka pa.”
    4:
    bukod sa binang-git, hal “Ano pa?” “Sino pa?”
    5:
    sa dáratíng na panahon; sa hinaharap, hal “Sa Lunes pa ang kaarawan niya.”
    6:
    sa panahong nakaraan na, hal “Noong isang araw pa siya nagpaalam umalis.”
  • pa,
    daglat | [ Ing ]
    :
    per annum.
  • Pa, (pí ey)
    symbol | Kem | [ Ing ]
  • PA, (pí•ey)
    daglat | [ Ing ]
    1:
    personal assistant
    2:
    public address, lalo sa PA system
    3:
    production assistant.
  • pa•á
    png
    1:
    sa mga vertebrate, ang ibabâng bahagi ng binti, nása ilalim ng bukong-bukong at ginagamit sa pagtayô at paglakad
    2:
    sa mga invertebrate, bahagi na katulad sa posisyon at gamit
    3:
    pinakaiba-bâng bahagi ng anumang bagay, gaya ng bundok, páhiná, hagdan, at iba pa
    4:
    pinakaibabâng bahagi na nagsisilbing salalayan ng anumang kasangkapan
  • pá•a
    png | Ana
    1:
    [Bik] kandúngan
    2:
    [Bik Hil Seb War] hità.
  • pa•á•bas
    png | [ ST ]
    1:
    pag-alis nang may sinasambit na masasamâng salita
  • pa•á•bong
    png
    :
    mga salitâng higit na nagpapapasidhi ng damdamin.
  • pa•á•bot
    png | [ Bik Pan pa+ábot ]
  • pa•a•dò
    png | [ War ]
    :
    ritwal na sayaw ng bagong kasal.
  • pá•ad sí•ki
    png | Ana | [ Tau ]
  • pá•ag
    png | [ Ilk ]
  • pa•á•ga
    png | [ ST ]
    1:
    paghihintay ng madalîng-araw para gawin ang dapat gawin
    2:
    paghula sa magaganap
    3:
    uri ng palay na mabilis magbu-nga.