pluralism (plu•ra•lí•sim) 1: a teorya na mayroong higit sa isang pangunahing substance o prinsipyo b teorya na nagtataglay ang realidad ng dalawa o higit pang nakapag-iisang elemento 2: a sabay na paghawak ng isang tao sa dalawa o higit pang opisina b plurality 3: ang kalagayan o katangian ng pagiging plural.
plurality (plu•rá•li•tí) 1: sa halalan, ang labis na boto na na-tanggap ng nangungunang kandidato kompara sa pinakamalapit na kalaban nitó 2: higit sa kalahati ng isang buo; ang mayorya 3: bílang o numero na higit sa isa 4: kalagayan o katotohanan ng pagiging marami.
plu•ros•kóp•yo : aparato na may maliwanag na fluorescent iskrin, at ginagamit sa pagsilip ng mga imahen sa x-ray.
Plú•to 1: ang pangalan na ibinigay kay Hades, na taguri ng mga Romano kay Orcus 2: ang pansiyam na planeta sa sistemang solar.
plutonium (plu•tó•ni•yúm) : element na radyoaktibo, siksik, at tíla pilak (atomic number 94, symbol Pu).
ply (play) 1: kakapalan o suson ng ilang materyales, lalo sa kahoy o tela 2: hibla ng lubid at iba pa 3: pliyego.