pneumatic (nyu•má•tik) 1: hinggil sa hangin 2: naglalamán o napatatakbo ng siniksik na hangin 3: konektado sa, o naglalamán ng mga daluyan ng hangin, lalo na sa mga butó ng ibon o isda.
pneumatology (nyu•ma•tó•lo•dyí) : sangay ng teolohiya na may kaugnayan sa Espiritu Santo at iba pang konseptong espiritwal.
pneumo- (nyú•mo) : pambuo ng pangngalan na tumutukoy sa hangin, respirasyon, o bagà, hal pneumonitis.
pô : katagang pamitagan, gamit sa magálang na pakikipag-usap lalo na sa pagtugon sa isang nakatatandang tumatawag o kumakausap
poach (powts) 1: kurákot2 2: pagluluto ng itlog na walang balát sa kumukulong tubig 3: pagpapa-kulo ng isda at iba pa sa kaunting likido.
pó•as 1: isang uri ng punongkahoy 2: pagpapahid sa mga hita ng katas mula sa punongkahoy na ito o balát nitó upang hindi kapi-tan ng linta.