pontifical (pon•tí•fi•kál) 1: sa Simbahang Katoliko Romano, ang aklat ng kanluraning Simbahan na nagtataglay ng mga ritwal na dapat isagawâ ng papa o obispo 2: ang kasuotan o sagisag ng obispo, kardinal, o abad.
pontificate (pon•tí•fi•kéyt) 1: a gumanap na tíla pontiff; magkun-waring hindi nagkakamali b maging pomposo at dogmatiko 2: gumanap bílang obispo, lalo sa Misa.
pon•tún 1: bangka o iba pang estrukturang lumulutang, ginagamit na pang-agapay sa pansamantalang tulay sa ilog 2: palutang sa derik, palapagan, at kauri 3: palutang sa mga sasakyang-dagat na may lulang mabibigat na kargamento
pony (pów•ni) 1: uri ng kabayo na maliit o pandak 2: maliit na baso 3: kabayong pangkarera 4: ayos ng buhok na binanat nang pasalungat, binigkis ng tali, at tíla nakalaylay na buntot ng kabayo.
po•ók 1: partikular na bahagi ng puwang o espasyo, may tiyak man o walang hanggahan 2: espasyo o puwang sa pangkalahatan 3: tiyak na bahagi ng puwang, karaniwang inookupa-han ng anumang bagay 4: rehiyon o area 5: bukás na pu-wang, gaya ng lungsod o bayan 6: maikling daan 7: bahagi ng espasyo o puwang na gina-gamit na tirahan, gaya sa lungsod, bayan, o nayon
pool (pul) 1: sanaw1 2: munting lawas ng anumang likido 3: malalim na bahagi ng ilog 4: swimming pool 5: a karani-wang suplay ng mga tao, sasakyan, o bagay na laan para ibahagi sa isang pangkat ng tao b pangkat ng mga tao na nagbabahagihan ng mga tung-kulin 6: uri ng laro sa mesa, na kahawig ng bilyar, ngunit bilóg na pitsa ang gamit sa halip na bola.