post-modernism (post-mo•der•ní• sim) : estilo at konsepto sa sining, arkitektura, at kritisismo noong hulíng bahagi ng ika-20 siglo na kumakatawan sa pagtalikod sa modernismo.
post-mór•tem 1: pagsusu-ring isinasagawâ upang alamin ang dahilan ng , kamatayan 2: talakayang sumusuri sa direksiyon at resulta ng isang laro, eleksiyon, at iba pa
post office (post ó•fis) : ang tanggapan ng pamahalaan na may tungkuling mamahala sa paghahatid ng mga sulat at iba pang bagay sa pamamagitan ng koreo
post restante (post res•ánt) 1: paalala sa liham na panatilihin ito sa tanggapan ng koreo hanggang ku-nin ito ng may-ari pagsapit ng itinakdang araw 2: ang kagawaran ng tanggapan ng koreo na nagtatago ng ganitong mga liham.
postscript (post is•krípt) 1: karagdagang talata o puna na kara-niwang matatagpuan sa hulihan ng liham pagkatapos ng lagda at nai-pakikilála sa pamamagitan ng ‘PS’ 2: anumang karag-dagang impormasyon, aksiyon, at iba pa
post-structuralism (post is•trák•tyu• ra•lí•sim) : pananaw na kumakatawan sa ekstensiyon at kritika ng structuralism, nagtatampok sa pluralidad at hindi pagsasaalang-alang ng kahulugan, pagtanggi sa mga hindi mababago at magkata-liwas na puwersa, at sa katotohanan ng awtoridad ng may-akda.
postulate (pós•tyu•léyt) 1: ipagpalagay 2: sa batas eklesyastiko, inomina o ihalal sa higit na mataas na ranggo.
pós•tu•mó 1: naganap pag-katapos ng kamatayan 2: nailathala matapos mamatay ang awtor 3: isinilang mata-pos mamatay ang ama
pos•tú•ra 1: posisyon o anyo ng katawan sa pagkakatayô o pagkakaupô 2: paraan ng paninindigan o kilos na may layuning luminlang sa iba