port•pól•yo 1: nabibitbit na lalagyan ng mga kasu-latan, aklat, papeles, at iba pa 2: opisina, posisyon, at mga tungkulin sa gabinete.
portrait (pórt•reyt) 1: pagla-larawan sa anyo ng tao, lalo na ang mukha, sa pamamagitan ng ilus-trasyon o potograpiya 2: paglala-rawang verbal 3: sa graphic arts, format na higit na malakí ang sukat ng taas kaysa lapad ng larawan.
portraiture (pór•tri•tyúr) 1: sining ng pagpipinta ng mga portrait 2: grapikong paglalarawan 3: laráwan2.
portray (por•tréy) 1: kata-wanin ang isang bagay sa pamama-gitan ng pintura, lilok, at kauri 2: katawanin sa pamamagitan ng mga salita 3: gumanap.
Portuguese (pór•tyu•gís) 1: mamamayan ng Portugal 2: opisyal na wika ng Portugal at ng mga teritoryo nitó, at ng Brazil.
pór•tu•lá•ka : yerba (Portulaca grandiflora) na mababà at payat ang punò, salítan ang maliliit na dahon, limahan ang talulot ng kumpol na bulaklak, at maliliit ang bunga.
pó•sas : pares ng bakal na hugis singsing, may kadena, at karaniwang ikinakabit sa galáng-galangán ng bilanggo
po•ses•yón 1: pagtataglay o paghahawak 2: ari-arian 3: kasalukuyang paghawak o pag-upa, kahit mayroon o walang karapatan na magmay-ari
po•si•ti•bís•mo 1: teorya na maaaring mapatoto-hanan ang bawat makatwirang paniniyak sa pamamagitan ng pruwebang lohiko at matematiko 2: teorya na dapat mabatid ang mga batas bílang mga patakarang panlipunan 3: pagiging tiyak
po•si•tí•bo 1: walang pag-aalinlangan 2: paayon2 3: lantay 4: sa potograpiya, nagpapa-kíta ng mga liwanag, anino, o kulay na tapat sa orihinal 5: nagtataglay ng elektrisidad na kauri ng nalilikha kapag pinagkuskos ang salamin at seda 6: nagtataglay ng higit na proton kaysa elektron 7: nagpapahi-watig ng pagkakaroon ng isang parti-kular na sakít, mikrobyo, o abnorma-lidad 8: ang ginagawâ sa pagdadagdag o adisyón