pós•te 1: haligi1 2: anumang balangkas na patayô at may katulad na gamit ng haligi 3: a pook na pinagtalagahan ng isang tao, gaya ng pulis o sundalo b himpilan ng mili-tar
pós•ter 1: plakard o paskin na inilalagay sa mga hayag na pook 2: malakíng larawang inilimbag 3: tagapaskin nitó.
post exchange (post eks•tséynds) : maliit na tindahan para sa mga sundalo, na nagbebenta ng mga uniporme, insignia, at mahahalagang kalakal o paninda
postgraduate (post grá•dyu•wéyt) 1: hinggil sa kursong kinukuha matapos ang unang degree 2: hinggil sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong ito.
postindustrial (post in•dás•tri•yál) : hinggil sa isang lipunan o ekonomiyang hindi na umaasa sa malalakíng industriya.
póst•kard : maliit at inilimbag na kard, karaniwang may larawan sa isang gilid, at may espasyo para sa selyo