pro•tá•sis 1: ang sugnay na nagpapahayag ng kalagayan ng pa-ngungusap na kondisyonal, karani-wang pinangungunahan ng kung 2: unang bahagi ng sinaunang dra-ma, na nagpapakilála ng mga tauhan at nagmumungkahi ng paksa.
pró•te•á : palumpong (genus Protea) na may bulaklak na hugis balisungsong, at katutubò sa katimugang Aprika.
pro•ték•si•yo•nís•mo : teorya o praktika ng pagsasanggaláng sa sariling kalakal at negosyo ng isang bansa laban sa kompetisyon sa pamamagitan ng pagtatakda ng mataas na buwis sa mga produktong mula sa ibang bansa
pro•tek•tór, pro•ték•tor 1: tagapagsanggaláng, tagapagtanggol, o tagapangalaga 2: tao na tagapangasiwa ng isang pook upang mapangalagaan ang kapaka-nan nitó 3: tao na hinirang upang mamahala sa bayan.
pro•tek•to•rá•do 1: ang tungkulin at panunung-kulan ng protektor 2: estadong nása ilalim ng kapangyari-han ng isang estadong higit na malakas