proteose (pró•tis) : alinman sa mga uri ng natutunaw na compound, nakukuha sa pamamagi-tan ng aksiyon ng mga gastric juice, pancreatic juice, at katulad.
Pro•tes•tán•te 1: sinumang Kristiyano na hindi tagapagtaguyod o tagasunod ng Simbahang Katoliko Romano 2: sa maliit na titik, tao na nagpoprotesta.
pro•tí•na : sustansiyang organiko na nagtataglay ng nitrogen, carbon, oxygen, at iba pang napakahalagang bahagi ng pagkain
Pro•tís•ta : malakíng pangkatin o kingdom ng mga orga-nismong may iisang cell at kinabi-bilángan ng mga protozoa, payak na alga, amag, at bakterya.
pró•to•kól 1: a opisyal at diplomatikong pormalidad at kabutihang-asal na sinusunod sa mga okasyong pang-estado b patakaran, pormalidad, at iba pang sinusunod ng isang pangkat 2: orihinal na borador ng diplomatikong dokumento, lalo na ng mga napagkasunduan sa isang kum-perensiya at nilagdaan ng mga parti-do 3: pormal na pahayag ng transaksiyon
pró•to•plás•ma : subs-tance na walang kulay, tíla helatina, binubuo ng oxygen, carbon, at nitro-gen na siyang mahalagang saligan ng búhay ng mga hayop at haláman
protract (prot•rákt) 1: pata-galin o magpatagal 2: pausliin; palabasin 3: bumalangkas o gumuhit sa tulong ng eskala at protractor.
protraction (prot•rák•syon) 1: pagbibigay ng dagdag na pana-hon 2: pahabain ang isang bahagi ng katawan 3: a pag-guhit ayon sa eskala b ang iginuhit nang gayon.