pro•sé•so 1: siste-matikong serye ng mga kilos 2: tuloy-tuloy na serye ng mga pagbabago na nagaganap alinsunod sa isang tiyak na paraan
Prosimie (pró•si•mí) : isa sa tatlong suborder ng primate na may katangiang mahabà ang mukha, ma-masâ-masâ ang nguso, malakí at gumagalaw ang tainga, bilugán ang matá, at sa gabi gumagala, hal mal-mag at paniki.
pro•so•dí•ya 1: agham o pag-aaral ng metro at talud-tod 2: isang partikular na sistema ng mga metro at taludtod 3: ang diin at intonas-yon sa pagbigkas.
prospect (prós•pek) 1: nakí-kinitáng mangyayari 2: posibleng kliyente; tao na may pag-asang mag-wagi sa paligsahang atletiko o pam-politika 3: nakatambad na tanawin ng malawak na lupain.
pros•pék•to : nakalimbag na dokumento na nag-aanunsiyo o naglalarawan ng isang paaralan, establisimyento, ilalabas na aklat, at iba pa
prostate gland (prós•teyt gland) : ang muscular, glandular na organ na pumapalibot sa urethra ng lalaki sa ibabâng bahagi ng pantog
prosthesis (prós•ti•sís) 1: sa pagtistis, ang karagdagang artipisyal na bahagi upang makapagsuplay sa depekto ng katawan 2: ang artipisyal na bahagi na idinaragdag 3: ang dagdag na isa o higit pang tunog o pantig sa isang salita o linya ng berso o tula, lalo sa unahan nitó.
prós•ti•tus•yón 1: pagkíta ng ikabubúhay sa pama-magitan ng pakikipagtalik 2: walang kabuluhang paggamit sa talento o abilidad