ser•pen•tí•na 1: banderitas na mahahabà at yarì sa papel 2: uri ng kanyon noong ikalabinlima hanggang ikalabimpitong siglo
serranid (se•rá•nid) : uri ng isdang-alat (family Serranidae) na kinabibilángan ng lapulapu at katulad
serum (sí•rum) : likidong kulay amber at mayaman sa protina na humihiwalay kapag namuo ang dugo, karaniwang iniineksiyon sa maysakít
serve (serv) 1: sa tennis o volleyball, panimulang hagis at pag-palò sa bola ng isang kalahok 2: paraan ng pagsasagawâ nitó 3: turno ng kalahok na gawin ito
serve (serv) 1: maglingkod o paglingkuran 2: maging tagapaglingkod 3: isagawâ ang tungkulin 4: maging kasapi ng hukbo
sér•ver 1: tao na naglilingkod sa iba 2: ang nagsasagawâ ng serve 3: tao na tumutulong sa paring nagmimisa 4: a programa na nangangasiwa sa pangmadlang gámit ng sentralisadong serbisyo sa isang network b aparato na pinagga-gawaan ng gayong programa
service (sér•vis) 1: paglilingkod 2: sistema ng pamamahagi ng mga pangangailangan ng mamamayan, gaya ng transportasyon at tubig 3: sangay ng serbisyo sibíl 4: seremonya ng pagsamba ayon sa tradisyon, tulad ng misa 5: paglalaan ng karampatang pagkokompone sa mga mákiná, o pangangasiwa sa mga operasyon 6: tulong o gabay na inilalaan pagkaraan ng pagbibilí ng mga produkto 7: paghahain ng pagkain 8: pagsasagawâ ng serve
serviceman (sér•vis man) 1: lalaki na naglilingkod sa hukbo 2: laláki na nagsasagawâng serbisyo o pagkokompone ng kagamitan