septuplet (sép•tup•lít) 1: isa sa pitóng kambal 2: pangkat ng pitóng nota na hinihimig sa kompás na apat o anim
se•púl•kro 1: puntód4 2: estruktura o nitso sa ilang lumang simbahan na lagakan tuwing Biyernes Santo ng mga sagradong bagay na inilalabas pagsapit ng Linggo ng Pagkabúhay bílang paggunita sa Paglilibing at Muling Pagkabúhay ni Kristo
se•púl•tu•ré•ro : tagahukay ng puntod para sa ililibing, karaniwang nagsisilbi ring bantay ng sementeryo
sép•ya 1: pigment na kayumanggi na mula sa isda at ginagamit sa pagdodrowing 2: drowing na gawâ sa pigment na ito 3: sa potograpiya, print o larawan na may ganitong kulay
sequence (sí•kwens) 1: sunúran 2: mga bagay na bahagi ng isang serye 3: sa pelikula, bahagi na bumubuo ng isang eksena o paksa 4: pangkat ng tatlo o higit pang baraha