se•ré•so : maliit na prutas, kulay pulá, bilóg, o hugis puso ang bunga ng palumpon o punò na kauri ng rosas
sé•rif : maikling lampas sa linya na tumatapos sa pangunahing hagod ng isang titik, gaya sa T na iba sa T
sér•mon, ser•món 1: pahayag na may layong magturò o mangaral, karaniwang mula sa klerigo kapag may misa o serbisyo sa simbahan 2: anumang seryosong diskurso, talumpati, at iba pa lalo na patungkol sa mga usapin ng moralidad 3: talumpati na maha-bà at nakababagot
serotonin (sér•o•tó•nin) : uri ng compound sa dugo na nagpapasikip sa maliliit na ugat at nagsisilbing neurotransmitter