se•rá•li 1: punongkahoy (Flacourtia ramontchi) na ginagamit ang bunga sa paggawâ ng jelly 2: bitóngol
se•rá•mi•ká 1: sining at teknolohiya ng paggawâ ng mga bagay na yarì sa luad 2: mga bagay na gawâ sa luad
se•ra•pín 1: sa Bibliya, maliliit na anghel na nakíta ni Isaiah sa kaniyang pangitain 2: kasapi ng pinakamataas na uri ng anghel
ser•bís•yo púb•li•kó 1: paglilingkod sa publiko 2: ang sistema ng pagpapatrabaho na ginugugulan ng pamahalaan
ser•bís•yo si•bíl 1: sangay ng lingkurang pam-pamahalaan na humihirang ng mga tauhan sa pamamagitan ng mahigpit na pagsusulit 2: lawas ng mga kawani ng pamahalaan, maliban sa militar
se•re•món•ya 1: mga pormalidad na isinasagawâ sa ilang maringal o mahalagang okasyong publiko 2: pormal at banal na pagdaraos ng ritwal, gaya ng kasal