splice (is•pláys) 1: idugtong ang mga dulo ng lubid sa pamamagi-tan ng pagsasalapid ng mga hibla 2: idugtong ang anumang bagay, gaya ng tabla, sa pamamagitan ng pagpapatong
split (is•plít) 1: magsibak; magbiyak 2: tanggalin sa pamamagitan ng pagbásag 3: maghiwalay dahil sa pag-aaway o hindi pagkakasundo
split screen (is•plít is•krín) : uri ng potograpiya, gaya sa telebisyon o pelikula, na may dalawa o higit pang magkakahiwalay na imaheng ipinakikíta nang magkakasabay
spoil (is•póyl) 1: siràin o bulukin 2: pasamàin ang karakter dahil sa labis na pagbibigay; pagpapalaki sa layaw
Spoliarium (es•po•li•yár•yum) : obra maestra sa pintura ni Juan Luna, na naglalarawan sa malungkot na wakas ng labanán ng mga gladyador sa imperyong Roma
spoonfeed (is•pún•fid) 1: subuan ng pagkain ang sanggol sa pamamagitan ng kutsara 2: magbigay ng tulong, impormasyon, at iba pa nang buong-buo at walang anumang hirap ang pinagbigyan