sporting (is•pór•ting) 1: hinggil sa isport 2: mahilig sa isport 3: patas sa paglalaro; hindi madaya 4: mahilig makipagsapalaran
sporty (is•pór•ti) 1: mahilig sa isport 2: mahilig magpasíkat o magyabang 3: nararapat na kasuotan sa isport
spotlight (is•pát•layt) 1: sinag ng liwanag na nakatutok sa isang pook, lalo na sa teatro o sa daraanan ng sasakyan 2: publisidad hinggil sa sinuman
spread (is•préd) 1: kumalat o magkálat 2: lumaganap o magpalaganap 3: lumatag o maglatag 4: magpahid ng palamán sa sandwits 5: magbuka o iunat ang bisig o bagwis 6: makahawa ng sakít
spreadsheet (is•préd•syit) : programa na maaaring mamanipula at makuha ang mga datos na nása talahanayan
spring (is•príng) 1: tumalon o lumundag 2: kung katulad ng bitag, umigkas 3: kung katulad ng bola, tumalbog
spring (is•príng) 1: panahon sa pagitan ng winter at summer, sa hilagang hemisphere, mulang vernal equinox hanggang summer solstice, at sa timog hemisphere, mulang autumnal equinox hanggang winter solstice 2: muwelye ng sasakyan 3: bukál1
spring balance (is•príng bá•lans) : timbangan na sumusúkat ng bigat sa pamamagitan ng tensiyon ng ispring