springboard (is•príng•bord) 1: mahabàng tabla na nása dakong itaas ng swimming pool at pinaglulundagan 2: anumang bukal o simula ng gawain
sprint (is•prínt) 1: karera na may distansiyang 100-400 m at ginagamitan ng ubos-káyang bilis 2: anumang katulad na karera sa pagbi-bisikleta, paglangoy, at iba pa
sprinter (is•prínt•er) 1: atleta na matuling tumakbo sa mála-pitáng distansiya 2: sasakyan, lalo na ang tren na mabilis tumakbo sa málapitáng distansiya
sprocket (is•prá•ket) 1: alinman sa mga ngipin ng gulóng na kinakabitan ng kadena, katulad sa gulóng ng bisikleta 2: sprocket wheel
spruce (is•prús) 1: punongkahoy (genus Picea) na may ma-lalagong dahon at hugis koniko 2: ang tabla mula rito
spurious (is•pyúr•yus) 1: huwád 2: sa dalawa o higit pang bahagi, haláman, at katulad, may magkatulad na hitsura ngunit magkaiba ang estruktura