square (is•kwéyr) 1: parisukat 2: pook na napaliligiran ng mga gusali 3: eskuwala 4: Mat produkto ng square root, hal 81 ang square ng 9 5: tao na may makalumang pag-uugali
square dance (is•kwéyr dans) : sayaw na karaniwang may apat na parehang nakaharap paloob mula sa apat na gilid
square root (is•kwéyr rut) : bílang na kapag iminultiplika sa sarili ay nagbibigay ng isang tiyak na bílang, hal , 9 ang square root ng 81
squash (is•kwásh) 1: kalabasa1 2: laro sa court na sarado at may apat na dingding, at ginagamitan ng raketa
squat (is•kwát) 1: lumupagi o maglupagî 2: tumirá o magtayô ng bahay at anumang estruktura sa lupang pag-aari ng ibang tao nang walang pahintulot
squeege (is•kwí•dyi) 1: gamit na may goma ang gilid, may tatang-nang mahabà, at ginagamit sa paglilinis ng bintana 2: katulad na gamit na maliit at ginagamit sa potograpiya o silk screen
squidball : dinurog na lamán ng pusit, minasa sa maliliit at pabilóg na piraso, ipini-rito, at ipinagbibilíng nakatuhog sa patpat at may manamis-namis na sawsawan