Stabat Mater (is•tá•bat má•ter) : imno ukol sa paghihirap ng Bir-hen Maria noong ipako si Kristo sa krus
stabilizer (is•ta•bi•láy•zer) : instrumento o substance na ginagamit upang panatilihin ang katatagan o katibayan ng isang bagay, gaya ng pares ng maliliit na gulóng, at ikina-kabit sa huliháng gulóng ng bisikleta ng batà
stable (is•téy•bel) 1: a kuwadra b mga kabayong pangkarera na inaalagaan dito 2: pook na kinalalagyan at pinag-eensayuhan ng mga kabayo 3: a tao, produkto, at iba pa na may iisang pinagmulan o kasapian b ang pinagmulan o kinasasapian
staff (is•táf) 1: tungkod 2: batuta2 3: tagdan 4: mga tauhan o kawani 5: limang linyang paha-lang at ang apat na espasyo nitó at kumakatawan sa taas at babà ng tono
stag (is•tág) 1: tigulang na laláking usa (genus Cervus) 2: laláking dumadalo sa pagtitipon nang walang kasámang babae
stagnant (is•tág•nant) 1: a hindi umaagos, gaya ng tubig na nanatili sa isang mababàng pook b mabahò dahil sa kalagayang ito 2: hindi umuunlad o walang ginagawâ, gaya ng ganitong tao, isip, o búhay