sá•kob 1: takip o pagtatakipan ng dalawang bagay upang hindi makíta ang isa 2: paglalagay ng isang bagay nang pabaligtad 3: tandáng1
sá•kong 1: likurang bahagi ng paa sa ibabâ ng bukong-búkong 2: bahagi ng sapatos o bota na sumusuporta dito
sá•kop, sa•kóp 1: sinuman o anumang nása ilalim ng isang awtoridad 2: sinumang nagtatrabaho sa ilalim ng pagsubaybay ng iba 3: sinumang kasapi 4: pagliligtas o pag-akò sa kasalanan ng iba, gaya ng tawag kay Kristo bilang Mananakop