start (is•tárt) 1: simulâ 2: pook na pinagsisimulan ng anuman 3: bentahang ibinibigay sa simula ng karera 4: biglang pagkilos dahil sa pagkagulat
starter (is•tár•ter) 1: tao o bagay na nagsisimula 2: awtomatikong kasangkapan na ginagamit sa pagpapaandar ng mákiná ng sasakyan 3: tao na tagahudyat ng simula ng karera 4: ang una sa magkakasunod 5: kabayo na magsisimula ng karera
stasis (is•tá•sis) 1: kalagayan na walang pagkilos o pag-unlad 2: paghinto ng sirkulasyon ng anumang fluid ng katawan, lalo na ng dugo
stasis (is•tá•sis) : pambuo ng pangngalan na nangangahulugang pagbagal o paghinto, hal hypostatis, haemostasis
statement (is•téyt•ment) 1: ulat1 2: pahayag1-2 3: kuwenta o listahan ng mga transaksiyon, lalo na sa bangko
static (is•tá•tik) 1: estátikó 2: hinggil sa mga lawas na hindi kumikilos o sa mga puwersang nása equilibrium
stationary (is•tey•syo•ná•ri) 1: hindi gumagalaw 2: hindi nararapat galawin o ilipat ng puwesto 3: hindi nagbabago ang lakas ng bílang, kalidad, at iba pa 4: walang nakikítang pagkilos sa longitude
statoscope (is•tá•tos•kówp) : barometro na aneroid at nagpapakíta ng kaliit-liitang pagbabago ng presy-on, lalo na upang maláman ang altitude ng mga sasakyang panghimpapawid