stereo (is•tér•yo) 1: kasangkapang stereophonic na maaaring pagpatugtugan ng tape o magrekord 2: stereoscope
stereophonic (is•ter•yo•fó•nik) : gumagamit ng dalawa o higit pang channel sa pamamaraang ku-makalat ang tunog upang marinig ito hindi lámang sa iisang direksiyon
stereoscope (is•tér•yos•kówp) : instrumentong ginagamit sa pagsasanib ng dalawang larawan mula sa punto de bistang may kaun-ting kaibahan upang makalikha ng impresyon ng lalim at pagkabuo
stereotype (is•tér•yo•táyp) 1: tao o bagay na umaayon sa kumbensiyonal na larawan 2: sa paglilimbag, plate na hinulma mula sa tipong yari na 3: de kahon3
sterile (is•té•ril) 1: baóg1 2: hindi matabâng lupa 3: hindi namumunga 4: hindi produktibong pag-iisip; walang orihinalidad 5: walang mikrobyo
sterling (is•tér•ling) 1: pilak na ginagamit sa paggawâ ng kasangkapan o kagamitan, gaya sa kutsara, tenedor, at iba pa 2: produktong yarì sa esterlina 3: salapi sa Great Britain
sterling (is•tér•ling) 1: hinggil sa salapi ng Britanya 2: kung sa barya o metal, hinggil sa halaga o kadalisayan 3: tunay at mahusay ang uri
sternum (is•tér•num) 1: butó o serye ng butó na umaabot sa gitnang bahagi ng katawan, karaniwang sa mga vertebrate 2: sa tao, binubuo ng sapád at makitid na butó na konektado o nakakabit sa balagat at sa tadyang
steroid (is•tí•royd) : alinman sa isang pangkat ng com-pound na organiko at may estruktu-rang apat na singsing ng mga carbon at atom
sterol (is•tér•ol) : alinman sa pangkat ng solido at polycyclic na alkohol ng kolesterol at ergosterol na mula sa haláman at hayop
steward (is•tí•ward) 1: laláking tagapaglingkod sa mga pasahero ng barko, eroplano, o tren, stewar-dess kung babae 2: laláking opisyal na itinalaga upang mamahala sa isang pagtitipon, demostrasyon, pag-tatanghal, at iba pa 3: laláking taga-pamahala ng ari-arian ng isang tao