status (is•tá•tus) 1: katayúan 2: relatibong ranggo o estadong panlipunan 3: mataas na posisyon 4: legal na katayuan ng tao at tumutukoy o nagsasabi ng kaniyang karapatan o tungkulin
stay (is•téy) 1: malakíng lubid na ginagamit na pampigil o suporta sa palò ng layag ng barko 2: túkod 3: mahabà at makitid na tela na pam-patigas ng kuwelyo 4: pananatili
steam engine (is•tím én•dyin) : mákiná na pinaaandar ng aksi-yon o enerhiya ng singaw, karaniwan sa pamamagitan ng presyon sa piston na tumataas at bumababâ sa cylinder
steel bar (is•tíl bar) : uri ng talim na iba-iba ang súkat at anyo at ginagamit sa pagkakabit ng hiyas sa alahas
steeplechase 1: karera ng mga kabayo na tumatalon sa mga artipisyal na harang 2: anumang katulad na karera