stamp (is•támp) 1: selyo1 2: a bagay na pantatak b ang marka o tatak 3: a mabigat na tapak ng paa b ang tunog nitó
stampede (is•tám•pid) 1: biglaang pagtatakbuhan sa iba’t ibang direksiyon ng maraming hayop 2: biglaang pagsugod o pagtakas ng mga tao dahil sa takot, interes, at iba pang matinding damdamin
stand (is•tánd) 1: anumang bagay o pook na maaaring pagtayuan o gamiting sandigan 2: paghinto ng galaw o pag-unlad 3: paninindigan
stand-by (is•tánd bay) 1: tao o bagay na handa sa anumang oras ng pangangailangan 2: tao na nananatili sa tabí o malapit
standing room only (is•tán•ding rum ówn•li) : pagtatanghal na dinumog ng mga tao kayâ marami ang nakatayô dahil wala nang maupuan
staple (is•téy•pol) 1: maliit na alambreng hugis U na ginagamit upang pagsamáhin ang mga papel, o magkabit ng mga bagay sa dingding 2: pangunahing produkto 3: pangunahing bahagi o sangkap ng anuman 4: hilaw na sangkap
starch (is•tárts) 1: polysaccharide na pinag-iipunan ng carbohydrate sa mga haláman lalo na sa cereal at patatas 2: gawgaw
stardom (is•tár•dam) 1: sinumang sikát o tanyag 2: artistang gumaganap ng pangunahing papel sa pelikula
stardust (is•tár•dast) 1: lawas na maningning 2: substance na ilusyon 3: pangkat ng napakaraming bituin kayâ parang alikabok sa paningin
starlet (is•tár•let) 1: maliit na bituin 2: batàng artista o tao na nag-tatanghal na inaasahang higit na ma-giging mahusay sa pagtanda, lalo na kung babae