stigmata (is•tíg•ma•tá) : marka na kahawig ng mga súgat sa ipinakòng katawan ni Kristo at sina-sabing mahiwagang naitatatak sa katawan ng ilang tao, lalo na sa mga madre, monghe, at katulad
stilleto (is•ti•lé•to) 1: a takóng na mahabà at patulís b sapatos na may ganitong takóng 2: patalim na maikli at may makapal na talim
still life (is•tíl láyf) : pagpipintang nagsasaayos ng mga pamilyar at hindi gumagalaw na bagay sa loob ng tahanan
stilt (is•tílt) 1: tayakad1 2: alinman sa mga posteng sumusuhay sa gusali 3: ibon (genus Himantopus) na may mahahabà at payat na paa
sting (is•tíng) 1: organ ng kulisap, ahas, at iba pa na nakatutusok, nakasasakít, at karaniwang may lason 2: pagtusok sa pamama-gitan nitó 3: kalidad o epekto na nakasasakít o nakasusúgat, gaya ng matinding gutom