stir-fry (is•tír fray) 1: pagpiprito nang mabilis sa maalab na apoy hábang inihahalò ang sangkap 2: putahe ng karne, gulay, at iba pa na inihahalò sa pamamagitan nitó
stirrup (is•tí•rap) : alinman sa mga pares ng metal o kahoy na may sapád na tapakán, ikinakabit sa tagi-liran ng síya ng kabayo
stitch (is•títs) 1: tahi 2: isang kompletong pagpasok at paglabas na galaw ng karayom na may sinulid upang tahiin ang isang bagay 3: biglang kirot na tulad ng sundot ng karayom 4: damit
stock exchange (is•ták eks•tséyng) 1: samahán ng mga ahente sa mga istak2 at nagsasagawâ ng kalakal ayon sa itinakdang tuntúnin 2: gusaling inookupahan ng nasabing samahán
stockyard (is•ták•yard) 1: kural para ibukod ang mga hayop na tulad ng báka at baboy 2: pansamantalang kulungan nitó
stoma (is•tó•ma) 1: napakaliit na epidermis ng dahon 2: a maliit na bútas sa dingding ng mga vessel ng dugo b maliit na bútas na tíla bibig sa ilang mababàng uri ng hayop