Stone Age (is•tówn eyds) : sinaunang panahon na hinati sa Paleolithic, Mesolithic, o Neolithic at gawâ sa bató o organikong bagay gaya ng butó, kahoy, at sungay ang mga sandata at kasangkapan
stoneware (is•tówn•weyr) : uri ng kagamitan na napakatigas at yarì sa luad na may mataas na sangkap ng silica
stop (is•táp) 1: ihinto o pahintuin 2: kunin ang kina-kailangang tono sa pamamagitan ng pagdiin ng daliri sa kuwerdas
stopwatch (is•táp•wats) : relo na may mekanismo upang magtalâ ng oras na lumipas at ginagamit upang makíta ang tulin ng takbo at iba pa
storage (is•tó•reyds) 1: pag-iimbak ng kalakal at iba pa 2: natatanging pamamaraan ng pag-iimbak 3: bodegang imbakan
storyboard (is•tó•ri•bórd) : serye ng mga larawan na nagbibigay ng balangkas ng plano ng pelikula, patalastas sa telebisyon, at iba pa