sa•lá•gin•tô : alinman sa mga uwang (Metriona bicolor) na tíla ginto ang kináng ng katawan at lungti ang labas na pakpak
sa•la•gó : palumpong (Wikstroemia ovata) na may malápad at matigas na balakbak, hugis itlog na dahon, maliit na dilaw na bulaklak, at mapagkukuhanan ng resin at langis ang dahon
sa•lá•gun•tíng 1: uri ng tipaklong na parang gunting ang anyo 2: tungko ng tatlong poste na sinasabitan ng pansalok, pambuhat, at iba pang mekanismo 3: tahilan 4: hígop-hángin